• Ang isang Kristiyano ay lumalakad sa gitna ng maraming mga panganib, mga bitag at mga patibong. Ang aklat na ito ay magbubukas sa iyong mga mata sa maraming mga hindi nahahalatang mga panganib na naghihintay upang manakit, magpahamak at manira sa atin. Tulungan mo ang iyong sarili, at iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng makapangyarihang aklat na ito sa mga espirituwal na panganib!
  • Ang mga taong umiiwan sa iyo ay maaaring makasira sa iyo. Walang makapaglalarawan sa damdamin ng kapighatian, kalituhan at pagkabalisa na iyong nararamdaman kapag ikaw ay iniiwan ng mga tao. Ang aklat na ito ay isinulat upang ikaw ay tulungan labanan ang kasiraan na napapawalan kapag ikaw ay iniiwan ng mga tao. Huwag magpalinlang. Ang mapabayaan o maiwanan ay hindi isang natatanging bagay para sa iyo at sa iyong ministeryo. Maraming iba rin ang nagdusa ng mga bagay na ito. Si Satanas ang unang rebelde at ang nagsimula ng lahat ng mga rebelyon mula noon. Gamit ang aklat na ito, ikaw ay aangat at lalaban sa espiritu ng kataksilan na pinawawalan ng mga "taong nang-iwan sa iyo".
     
  • Alam natin na ang paglago ng simbahan ay mailap at mahirap makamtan. Ang lahat ng mga pastor ay nagnanais na ang kanilang mga simbahan ay lumago. Ang aklat na ito ay ang sagot sa iyong pakikipagsapalaran sa paglago ng simbahan. Mauunawaan mo kung paanong ang ""maraming mga iba't ibang bagay ay kumikilos nang magkasama"" upang makamtan ang paglago ng simbahan. Mahal kong pastor, Habang ang mga salita at pagpapahid sa aklat na ito ay pumapasok sa iyong puso, mararanasan mo ang paglago ng simbahan na iyong ipinapanalangin.
  • Kahit na ito ay isang hindi karaniwang paksa, ang pagtalikod sa pananampalataya ay humaharap sa isang karaniwang kaganapan sa mga Kristiyano. Marami ang nagsisimula subalit kakaunti lamang ang natitira hanggang huli. Sa aklat na ito, si Obispo Dag Heward-Mills ay nagbibigay ng babala, at malinaw na ipinapakita kung bakit ang bawat Kristiyano ay dapat na makarating sa Langit!
  • Ang kayamanan ng pagpapahid ay nasa pinahiran. Ang pagpapahid ay hindi naihihiwalay mula sa taong pinahiran. Ang pagpapahid ay nasa loob ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay kasama ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay nasa lingkod ng Diyos. Ang bago at nakatutuwang aklat na ito ni Dag Heward-Mills ay magpapanabik sa mga puso ng mga naghahanap ng pagpapahid!
  • Marami sa atin ang hindi nakakaunawa kung paano ang kuwento ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama sa Bibliya ay mayroong kaugnayan sa atin. Iniisip natin na iyon ay isang sawing kaganapan na nakaapekto kina Adan at Eba at na tayo ay nakaligtas mula rito. Tunay ka na nga bang nakaligtas mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama? Sa tuwirang aklat na ito, mapagtatanto mo na ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon. Matutuklasan mo rin na nagpapakita pa rin ito ng parehong tukso sa atin tulad ng ginawa nito kay Adan at Eba. Matutuklasan mo rin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyong makapaglayag sa buhay at ministeryo gamit ang kaalaman na nakuha mo sa aklat na ito.
  • Sinasabi sa atin ng Bibliya na tayong lahat ay nakakagawa ng maraming pagkakamali — ang mga pastor ay hindi makakawala dito. Ang mga pagkakamali ay mga bagay na iyong nagagawa na nagiging sanhi ng pag-urong sa halip na pagsulong. Ang isang pagkakamali ay maaaring makapagpahinto sa iyo mula sa pagsulong. Anong mga posibleng pagkakamali ang maaaring gawin ng isang pastor? Ano ang sampung mga pagkakamali maaaring gawin ng pastor? Ikaw ay inaanyayahang basahin ang mga pahina ng kahanga-hangang aklat na ito at tuklasin mo ang mga pagkakamali na nanganganib mong magawa at kung paano maiiwasan ang mga malalaking pagkakamali na maaaring magawa ng isang pastor. Ang mahalagang aklat na ito ay magiging isang pagpapala sa iyo at sa iyong ministeryo.
  • Upang maglinang ng isang sining ay ang pagpapalago ng abilidad o kakayanan. Sinasabi ng Bibliya na ang biyaya ay dumarating sa mga taong may kakayanan. Ang gawain ng ministeryo ay nangangailangan ng malaking kakayanan. Ang bagong aklat na ito, ""Ang Sining ng MInisteryo"" ay isang lubos na kinakailangang pinagkukunan para sa lahat na nagnanais na gawin ang gawain ng ministeryo. Malinaw na ipinakikita nito kung ano ang tama at maling pag-iisip ukol sa ministeryo at kung paano gawin ang mga tungkulin ng isang ministro. Naisip mo na ba kung paano gagawin ang iyong gawain sa ministeryo? Ang pambihirang aklat na ito ni Dag Heward-Mills ang hahamon sa iyo na lumakad nang nararapat sa tawag ng Diyos at gagabayan ka sa pagbibigay ng iyong sarili nang buong-buo sa gawain ng ministeryo."
  • Kung ikaw ay isang pastol ng mga tupa ng Diyos, ikaw ay magagabayan ng husto nitong mahusay na maituturing na gawaing ito. Ang mga pahinang ito ay naglalaman ng mga madetalye at maingat na piniling mga katuruan, na mahalaga para sa iyong tagumpay. Si Obispong Dag Heward-Mills ay humuhugot mula sa kanyang karanasan na mahigit sa tatlumpung taon bilang isang pastol, upang ibahagi ang mga praktikal na kaisipan sa gawaing ng Ministeryo. Kung nais mong maging isang pastol ng mga anak ng Diyos ito ang aklat na hinahanap mo.
  • Ang pagsunod sa Diyos ay isang nakatutuwang paglalakbay sa pagtuklas. Ang pagsunod at paggaya sa ibang mga tao ay mga sinaunang sining ng pagkatuto na pinili ni Hesukristo bilang Kanyang pangunahing pamamaraan sa pagsasanay. Sa halip na lumayo sa pamamaraan ng ito sa pagsasanay na napatunayan na ng panahon, panahon na upang maintindihan ang kagandahan at pagpapakumbaba sa sining ng pagsunod. Sa aklat na ito, matutuklasan mo kung sino, ano at paano ang maayos na pagsunod. Ang matalino at bagong aklat na ito ni Dag Heward-Mills ang naglalagay sa sining ng pagsunod sa tama nitong dapat na kalagyan sa ating karanasan bilang Kristiyano.
  • Wala nang iba pang pakasa na mas mahalaga pa kaysa sa pagiging nasa sakdal na kalooban ng Diyos. Ang isang bagay na magpapakilala sa mga ministro ng ebanghelyp ay ang kanilang kakayanang marinig nang tama ang tinig ng Diyos. Kung ikaw ay nasa sakdal na kalooban ng Diyos, ikaw ay yayabong at magagawa mo ang lahat ng nais mo para sa Diyos. Ang bukod-tanging gawang ito ni Dag Heward Mills ay magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay at ministeryo.
  • Ang tawag sa ministeryo ay isang tawag sa pamumuno. Minsan pa sa tulong ng madali at mapagpakumbabang pamamaraan, pinalalawig ni Dan Heward Mills ang mga prinsipyong nagdulot upang siya ay maging isang bukod-tanging pinunong Kristiyano. Ang mga katotohanang ipinahahayag dito ay magiging inspirasyon sa marami sa sining ng pamumuno.

Title

Go to Top