-
Ipinahahayag ni Hesukristo ang mga nakagugulat na prinsipyo na namumuno sa kasaganaan at kayamanan. Ang sino mang mayroon ay nararapat na magkaroon ng mas marami! Gaano kawalang patas ang tunog nito! Subalit ito ang katotohanan na nagaganap sa ating harapan sa araw-araw. Ang aklat na ito ay naglalayong maipaliwanag ang Kasulatang ito na hindi masyadong naiintindihan. Makatatanggap ka ng mga magagandang kaisipan sa mga misteryo ng kasaganaan habang inaaral mo ang bagong aklat na ito ni Dag Heward Mills.
-
Si Dr. Dag Heward-Mills, isang bukod-tanging pinunong Kristiyano, ay nagbunyag ng isa sa kanyang mga lihim. ""Kung ang sinuman ay magtanong sa akin kung ano ang pinakadakilang lihim ng aking relasyon sa Diyos, sasabihin ko nang walang anumang pag-aalinlangan, na ito ang kapangyarihan ng mga tahimik na mga oras na aking ginagawa sa araw-araw. ""Siya ay nagpasiya na isulat ang aklat na ito upang ikaw ay makinabang mula sa kapangyarihan ng tahimik na oras.
-
Kahit na ito ay isang hindi karaniwang paksa, ang pagtalikod sa pananampalataya ay humaharap sa isang karaniwang kaganapan sa mga Kristiyano. Marami ang nagsisimula subalit kakaunti lamang ang natitira hanggang huli. Sa aklat na ito, si Obispo Dag Heward-Mills ay nagbibigay ng babala, at malinaw na ipinapakita kung bakit ang bawat Kristiyano ay dapat na makarating sa Langit!
-
Sa wakas ang bukod-tanging aklat para sa mga pastor at mga asawa ng pastor ay narito na! Ang aklat na ito ay hindi para sa iyo kung ikaw ay hindi isang pastor o asawa ng pastor! Kung ikaw ay karapat-dapat na bumasa ng aklat na ito, hayaan mong magministeryo sa iyo ang Diyos sa nakapag-uudyok ng pag-iisip na aklat na ito. Sa mga pahinang ito, ang mga misteryosong tungkulin ng mga kababaihan sa mga buhay ng mga pastor ay mailalantad. Nawa ang mga pahinang ito ay magpaalala sa inyo at pangunahan kayo sa landas ng mga pagpapala!
-
Maraming mga tao ang nahihirapan sa konsepto ng pagbibigay ng ikasampung bahagi kahit na ang makalumang kaugaiang ito ang nagdulot ng makasaysayang yaman ng mga Hudyo. Sa aklat na ito, si Obispo Dan Heward Mills ang magtuturo sa atin kung paanong ang pagbibigay ang kinakatawan sa mga prinsipyo ng paggawa ng kayamanan at ang himala ng kasaganaan. Masiyahan sa isa sa mga klasikong serye ni Dag Heward-Mills.
-
Ang isang Kristiyano ay lumalakad sa gitna ng maraming mga panganib, mga bitag at mga patibong. Ang aklat na ito ay magbubukas sa iyong mga mata sa maraming mga hindi nahahalatang mga panganib na naghihintay upang manakit, magpahamak at manira sa atin. Tulungan mo ang iyong sarili, at iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng makapangyarihang aklat na ito sa mga espirituwal na panganib!
-
Alam natin na ang paglago ng simbahan ay mailap at mahirap makamtan. Ang lahat ng mga pastor ay nagnanais na ang kanilang mga simbahan ay lumago. Ang aklat na ito ay ang sagot sa iyong pakikipagsapalaran sa paglago ng simbahan. Mauunawaan mo kung paanong ang ""maraming mga iba't ibang bagay ay kumikilos nang magkasama"" upang makamtan ang paglago ng simbahan. Mahal kong pastor, Habang ang mga salita at pagpapahid sa aklat na ito ay pumapasok sa iyong puso, mararanasan mo ang paglago ng simbahan na iyong ipinapanalangin.
-
Sa klasikong serye na ito, si Dag Heward-Mills ay nagbigay ng malawakang mga kaisipang praktikal sa pag-aasawa. Ang napakagandang aklat na ito ay magsisilbing handang mapagkukunang babasahin para sa pagpapayo sa pag-aasawa at sa mag-asawa. Tunay na matutuklasan mo sa aklat na ito ang bago at nakakapanabik na mga payo upang pahusayin ang iyong buhay mag-asawa.
-
Ang pagtatanim ng mga simbahan ay isang kababalaghan na nagkalat sa lahat ng mga ministro ng ebanghelyo. Isa rin itong pangunahing gawain sa mga naunang mga disipulo. Ang matagumpay na pagtatanim ng mga simbahan ay nangangailanga ng kakayanan at nagtataglay ng maraming mga dahilan. Si Dag Heward-Mills, ang tagapagtaguyod ng isang karismatikong denominasyon sa buong mundo na may tatlong libong mga simbahan, ang aakay sa atin sa pag-aaral ng iba't ibang bahagi ng pagtatanim ng mga simbahan sa aklat na ito. Ito ay isang aklat sa pagsasanay para sa sino mang ministro na nagnanais gawing layunin ang pagtatanim ng simbahan sa kanyang buhay at ministeryo.
-
Sa namumukod-tanging gawain na ito, sinusuri ni Dag Heward-Mills ang mga kalagayan sa tunay na buhay ng ministeryo sa ngayon. Ipinapakita niya ang mga praktikal na isyu tulad ng pananalapi, politika, pakikipag-relasyon sa ibang kasarian at mga pakikipag-ugnayan sa ministeryo. Isang makabuluhang gabay para sa maprinsipyong kasanayan sa iyong tawag, ang aklat na ito ay kinakailangan ng bawat Kristiyanong pinuno. Ito ay iminumungkahi para sa mga Paaralan ng Bibliya at samga pastor sa pangkalahatan.
-
Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay. ""Lucas 14:23. Ang isinisigaw ng puso ng Diyos ay para sa mundo na maligtas, at para sa kanyang tahanan - ang simbahan - ay mapuno! Mula sa pahayag na ito naipanganak ang aklat na ito na ""Ang Malaking Simbahan ni Obispo Dag Heward-Mills, pastor ng isa sa mga pinakamalaking simbahan sa Ghana. Ang iyong simbahan at ministeryo ay hindi na magiging tulad nang dati matapos mong basahin ang nakapagpapasiglang aklat na ito! ""Si Dr. Heward-Mills ay tapat sa Panginoong Hesukristo at sa gawaing kasama sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mundo. Siya ay isang magiting na pinuno at isang modelo para sa lahat ng nasa ministeryo at kami na narito sa “Church Growth International” ay ikinararangal na makilala at tawagin si Dr. Heward-Mills na kaibigan at kasama sa gawain sa dakilang mga anihan ng mundo."" -Dr. David Yonggi Cho Tagapangulo, Church Growth International