-
Ang kayamanan ng pagpapahid ay nasa pinahiran. Ang pagpapahid ay hindi naihihiwalay mula sa taong pinahiran. Ang pagpapahid ay nasa loob ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay kasama ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay nasa lingkod ng Diyos. Ang bago at nakatutuwang aklat na ito ni Dag Heward-Mills ay magpapanabik sa mga puso ng mga naghahanap ng pagpapahid!
-
Kahit na ito ay isang hindi karaniwang paksa, ang pagtalikod sa pananampalataya ay humaharap sa isang karaniwang kaganapan sa mga Kristiyano. Marami ang nagsisimula subalit kakaunti lamang ang natitira hanggang huli. Sa aklat na ito, si Obispo Dag Heward-Mills ay nagbibigay ng babala, at malinaw na ipinapakita kung bakit ang bawat Kristiyano ay dapat na makarating sa Langit!
-
Alam natin na ang paglago ng simbahan ay mailap at mahirap makamtan. Ang lahat ng mga pastor ay nagnanais na ang kanilang mga simbahan ay lumago. Ang aklat na ito ay ang sagot sa iyong pakikipagsapalaran sa paglago ng simbahan. Mauunawaan mo kung paanong ang ""maraming mga iba't ibang bagay ay kumikilos nang magkasama"" upang makamtan ang paglago ng simbahan. Mahal kong pastor, Habang ang mga salita at pagpapahid sa aklat na ito ay pumapasok sa iyong puso, mararanasan mo ang paglago ng simbahan na iyong ipinapanalangin.
-
Ang mga taong umiiwan sa iyo ay maaaring makasira sa iyo. Walang makapaglalarawan sa damdamin ng kapighatian, kalituhan at pagkabalisa na iyong nararamdaman kapag ikaw ay iniiwan ng mga tao. Ang aklat na ito ay isinulat upang ikaw ay tulungan labanan ang kasiraan na napapawalan kapag ikaw ay iniiwan ng mga tao. Huwag magpalinlang. Ang mapabayaan o maiwanan ay hindi isang natatanging bagay para sa iyo at sa iyong ministeryo. Maraming iba rin ang nagdusa ng mga bagay na ito. Si Satanas ang unang rebelde at ang nagsimula ng lahat ng mga rebelyon mula noon. Gamit ang aklat na ito, ikaw ay aangat at lalaban sa espiritu ng kataksilan na pinawawalan ng mga "taong nang-iwan sa iyo".
-
Ang isang Kristiyano ay lumalakad sa gitna ng maraming mga panganib, mga bitag at mga patibong. Ang aklat na ito ay magbubukas sa iyong mga mata sa maraming mga hindi nahahalatang mga panganib na naghihintay upang manakit, magpahamak at manira sa atin. Tulungan mo ang iyong sarili, at iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng makapangyarihang aklat na ito sa mga espirituwal na panganib!
-
Bilang isang Kristiyano, ang pinakadakila at pinakamatamis na impluwensiya sa iyong buhay ay ang Banal na Espiritu. Ang aklat na ito ang magbibigay sa iyo ng kakayanang unawain kung paano ang iyong katangian, budhi, pagka-malikhain at maging ang iyong kakayanang maging banal ay maaaring maimpluwensiyahan ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng kahanga-hangang aklat na ito ni Dag Heward-Mills, dapat mong hayaan na maimpluwensiyan, magbigyan ng inspirasyon, maapektuhan at mabago ng Banal na Espiritu ang iyong panghabang-buhay.
-
Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay. ""Lucas 14:23. Ang isinisigaw ng puso ng Diyos ay para sa mundo na maligtas, at para sa kanyang tahanan - ang simbahan - ay mapuno! Mula sa pahayag na ito naipanganak ang aklat na ito na ""Ang Malaking Simbahan ni Obispo Dag Heward-Mills, pastor ng isa sa mga pinakamalaking simbahan sa Ghana. Ang iyong simbahan at ministeryo ay hindi na magiging tulad nang dati matapos mong basahin ang nakapagpapasiglang aklat na ito! ""Si Dr. Heward-Mills ay tapat sa Panginoong Hesukristo at sa gawaing kasama sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mundo. Siya ay isang magiting na pinuno at isang modelo para sa lahat ng nasa ministeryo at kami na narito sa “Church Growth International” ay ikinararangal na makilala at tawagin si Dr. Heward-Mills na kaibigan at kasama sa gawain sa dakilang mga anihan ng mundo."" -Dr. David Yonggi Cho Tagapangulo, Church Growth International
-
Alam mo ba na ang buhay ng isang tao sa mundo ay isang digmaan? Tayo ay nakikidigma kahit na piliin nating makidigma o hindi. Ang sabi ng Bibliya na ang iyong buhay ay isang digmaan. Dapat mong paglabanan ang mabuting labanan at ipanalo ang digmaan. Ang bagong aklat na ito sa digmaan ay isang nararapat na babasahin para sa lahat ng mga pinuno.
-
Sa wakas ang bukod-tanging aklat para sa mga pastor at mga asawa ng pastor ay narito na! Ang aklat na ito ay hindi para sa iyo kung ikaw ay hindi isang pastor o asawa ng pastor! Kung ikaw ay karapat-dapat na bumasa ng aklat na ito, hayaan mong magministeryo sa iyo ang Diyos sa nakapag-uudyok ng pag-iisip na aklat na ito. Sa mga pahinang ito, ang mga misteryosong tungkulin ng mga kababaihan sa mga buhay ng mga pastor ay mailalantad. Nawa ang mga pahinang ito ay magpaalala sa inyo at pangunahan kayo sa landas ng mga pagpapala!
-
Ang malawak na pahayag na ito "isa sa inyo ay isang diablo" ay ginawa ni Hesukristo sa Kanyang maliit na grupo ng labindalawang mga alagad. Marami sa atin ang inaapi ng diablo dahil hindi natin alam kung paano siya ibubunyag o tukuyin ang kanyang gawain. Sa pinagpalang aklat na ito, matutuklasan mo ang mga kasalan ng mga diablo at mapagpasyahang huwag nang lumakad muli sa mga ito. Nawa ang pariralang "isa sa inyo ay isang diablo" ay hindi magamit sa iyo!
-
Isang bagay lamang ang iyong maiisip kapag narinig mo ang salitang 'Pastol' - tupa! Ang mga tupa ay mga palaasang mga nilalang na nangangailangan ng mga pastol. Ang pastol ay isang maalaga at nagmamahal na gabay sa mga tupa. Sa Bibliya, itinuturing tayo ng Diyos na mga tupa sa pastulan ng Diyos. Sinabi rin ni Hesus kay Pedro na alagad na pakainin ang Kanyang mga tupa upang patunayan ang kanyang pagmamahal sa Tagapagligtas. Ang pagiging isang pastol ay isang napakadakilang trabaho. Isang karangalan ang matawag ng Diyos upang maitala bilang Kanyang mga mangagawa at pangalagaan ang mga tupa. Sa aklat na ito, si Dag Heward-Mills ay nag-aanyaya, nanghihimok at nagpapakita sa atin kung paano tayo maaaring makibahagi sa dakilang gawain ng pangangalaga sa mga anak ng Diyos. Huwag mapagiwanan ng magandang gawain na ito ng pagiging isang pastol!