-
Si Dag Heward-Mills ang manunulat ng maraming mga aklat, kabilang na ang pinaka-mabentang "Katapatan at Pagtataksil". Siya ang tagapagtatag ng United Denominations na nagsimula mula sa Lighthouse Group of Churches na ngayon ay may tatlong libong mga simbahan na. si Dag Heward-Mills ay isang pandaigdigang mangangaral ng ebanghelyo, na nagmiministeryo sa mga pandaigdigang pagpupulong ng Healing Jesus Crusades sa buong mundo. Para sa iba pang mga impormasyon bisitahin ang www.daghewardmills.org.
-
Ang pagmamataas ay isang nakamamatay na lason na nakaapekto sa lahi ng mga tao sa loob ng maraming taon. Dahil imposibleng makita ito, ang pagmamataas ay mayroong kakayanan na gumawa ng malaking kaguluhan. Paano natin malalaban ang panganib na ito sa ating mga buhay? Sa pamamagitan ng bakuna ng pagpapakumbaba! Ang pagpapakumbaba ay isang mahalagang espiritual na katangian. Ilang tao na ang sumubok na sumulat ukol sa hindi malinaw, subalit mahalagang espirituwal na katangiang ito. Sa bago't nakatutuwang seryeng ito, isinisiwalat ni Dag Heward-Mills ang marami sa mga hindi nahahalatang anyo ng pagmamataas. Ang makapangyarihang aklat na ito, na isinulat ng isang nahihirapang Kristiyano, ang magpapala at maghihikayat sa iyong magkaroon ng tila-batang pagpapakumbaba ni Hesukristo.
-
Hindi naaalala ng mga suwail na tao kung ano ang mga nagawa para sa kanila at madalas na pinipiling kalimutan ang ilang mga bagay. Hindi naalaala ni Hudas kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa kanya, hindi man lamang niya naalala ang mga bagay na kanyang nakita at narinig mula kay Hesus. Ito ang dahilan kung bakit siya ay naging isang kinamumuhiang na karakter na alam natin ngayon bilang 'Judas'. Ang kakayahang makaalala ay isa sa mga pinakamahalagang katangiang espirituwal na maaaring nasa isang ministro. Ang mga taong hindi nakakalala, ay bihirang maging mahusay. Sila ay nabibigo lamang na makarating sa ilang mga matataas na mga antas. Ang natatanging aklat na ito, sa paksa na bihirang tinalakay ay isang kaloob mula sa Diyos para sa iyo.
-
Ang aklat na ito ay isa pang kaloob mula sa panulat ni Dag Heward-Mills sa lahat ng ministro na magbabasa nito. Ang aklat na ito ay sasagot sa mga tanong kung paanong pangasiwaan ang mga magugulong mga relasyon sa gitna ng mga ama at mga anak na lalaki. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa aklat na ito, maililihis mo sa sumpa ang iyong buhay at madadala mo ang isang pagpapala. Ang mga ama ay natatnging mga tao na makakapagpalaki ng mga anak at mga baguhan. Kung wala ang mga ama ay wala ang mga anak na magpapatuloy ng ministeryo sa mga susunod na saling-lahi. Ang tawag ng Diyos ay yayabong o mamamatay sa iyong kakayahang makipag-ugnayan sa mga ama. Basahin mo ang aklaat na ito at maiwasan ang sumpa na kaugnay ng hindi paggalang, hindi pagsunod at pagkakaroon nang hindi magagandang kaugnayan sa mga ama.
-
Maaaring isa sa pinakamalalaking kaaway na iyong kahaharapin ay ang 'nagpaparatang sa gitna ng kapatiran. Tanggapin ang mga dakilang kaisipan sa kung paanong ang sandata ng paratang na ito ay ginagamit at matutunan kung paano mapagtagumpayan ito habang binabasa mo ang klasikong aklat na ito ni Dag Heward-Mills.
-
Sa klasikong aklat na ito si Obispo Dag Heward-Mills ay nagtuturo kung paano ang sangkap na katapatan ang nagpapatibay ng gawain ng isang pinuno. Gamit ang mga bagay na nauukol sa bibliya, na hinango mula sa kasaysayan at panitikan, ang paksang ito ay mas naging napapanahon sa bawat uri ng mambabasa.
-
Ang mga taong umiiwan sa iyo ay maaaring makasira sa iyo. Walang makapaglalarawan sa damdamin ng kapighatian, kalituhan at pagkabalisa na iyong nararamdaman kapag ikaw ay iniiwan ng mga tao. Ang aklat na ito ay isinulat upang ikaw ay tulungan labanan ang kasiraan na napapawalan kapag ikaw ay iniiwan ng mga tao. Huwag magpalinlang. Ang mapabayaan o maiwanan ay hindi isang natatanging bagay para sa iyo at sa iyong ministeryo. Maraming iba rin ang nagdusa ng mga bagay na ito. Si Satanas ang unang rebelde at ang nagsimula ng lahat ng mga rebelyon mula noon. Gamit ang aklat na ito, ikaw ay aangat at lalaban sa espiritu ng kataksilan na pinawawalan ng mga "taong nang-iwan sa iyo".
-
Marami sa atin ang hindi nakakaunawa kung paano ang kuwento ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama sa Bibliya ay mayroong kaugnayan sa atin. Iniisip natin na iyon ay isang sawing kaganapan na nakaapekto kina Adan at Eba at na tayo ay nakaligtas mula rito. Tunay ka na nga bang nakaligtas mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama? Sa tuwirang aklat na ito, mapagtatanto mo na ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon. Matutuklasan mo rin na nagpapakita pa rin ito ng parehong tukso sa atin tulad ng ginawa nito kay Adan at Eba. Matutuklasan mo rin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyong makapaglayag sa buhay at ministeryo gamit ang kaalaman na nakuha mo sa aklat na ito.
-
Naghahangad ka ba na maging pinahiran? Sa makasaysayang aklat na ito, ibinabahagi ni Dr. Heward-Mills ang ilang sa mga hakbangin upang tanggapin ang pagpapahid. Ang aklat na ito ay tunay na magiging isang biyaya sa iyo at sa iyong ministeryo. Tuklasin ang mga hakbang na iyong kinakailangan mo upang maging pinahiran!
-
Dahil tinanggap mo si Hesukristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas ikaw ay naligtas! Ikaw ay isang Kristiyanong ipinanganak na muli at ang iyong pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay. Ang iyong katanungan ay: ""Ano ang susunod na hakbang na dapat gawin?"" Ang pagiging isang Kristiyano ay isang magandang hakbang, subalit simula pa lamang iyon. Ikaw ay dapat na maging isang mabuti, matatag na Kristiyano. 'Kaya paano ko iyon gagawin? — Sa klasikong aklat na ito, matututunan mo ang mga hakbang na gagawin upang maging at manatiling matatag na Kristiyanong handa para sa kamatayan o pagpunta sa langit.
-
Ang pagpapala ay ang pangunahing susi na kinakailangan upang buksan ang pinto sa isang matagumpay at nakalulugod na ministeryo. Marami sa mga sumubok na gawin ang gawain ng Diyos na may tapat na mga motibo, ang hindi masyadong nakalalayo dahil nabigo nilang mapagtanto na ito ay ""Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu (ang pagpapala)"" Zacarias 4:6. Ang bukod tanging aklat na ""Saluhin ang Pagpapala"" ni Obispo Dag Heward- Mills ang magtuturo sa iyo ng kahulugan ng pagsalo ng pagpapahid at kung paano mo ito praktikal na magagawa! Hayaan na ang hangarin para sa pagpapahid ng Diyos ang gumising sa kalooban mo sa pamamagitan ng mga pahina ng aklat na ito!
-
Ang kayamanan ng pagpapahid ay nasa pinahiran. Ang pagpapahid ay hindi naihihiwalay mula sa taong pinahiran. Ang pagpapahid ay nasa loob ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay kasama ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay nasa lingkod ng Diyos. Ang bago at nakatutuwang aklat na ito ni Dag Heward-Mills ay magpapanabik sa mga puso ng mga naghahanap ng pagpapahid!