-
Dahil tinanggap mo si Hesukristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas ikaw ay naligtas! Ikaw ay isang Kristiyanong ipinanganak na muli at ang iyong pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay. Ang iyong katanungan ay: ""Ano ang susunod na hakbang na dapat gawin?"" Ang pagiging isang Kristiyano ay isang magandang hakbang, subalit simula pa lamang iyon. Ikaw ay dapat na maging isang mabuti, matatag na Kristiyano. 'Kaya paano ko iyon gagawin? — Sa klasikong aklat na ito, matututunan mo ang mga hakbang na gagawin upang maging at manatiling matatag na Kristiyanong handa para sa kamatayan o pagpunta sa langit.
-
Habang ikaw ay naglalakbay sa buhay matutuklasan mo na ang mundong hindi nakikita ay ang tunay na mundo at ang pisikal na mundong ito ay nagpapakita lamang ng ilang mga bagay sa hindi nakikitang mundo. Tulad ng pagkakaroon mo ng mga nakikitang kaaway, ikaw ay may mga hindi nakikitang mga kaaway din. Malalabanan mo ba ang iyong kaaway nang hindi siya nakikilala ang kanyang mgapamamaraan, estilo at ang kanyang mga sandata? Ang aklat na ito ay mahalagang kagamitan sa iyong lakbayin sa buhay. Matututunan mo sa aklat na ito kung sino ang iyong mga kaaway na hindi nakikita, ang ugat ng kanilang buhay, ang kanilang mga katangian at paano lalaban sa kanila. Nawa’y matulungan ka ng mahalagang aklat na ito na mapagtagumpayan ang iyong mga hindi nakikitang mga kaaway!
-
Sinasabi sa atin ng Bibliya na tayong lahat ay nakakagawa ng maraming pagkakamali — ang mga pastor ay hindi makakawala dito. Ang mga pagkakamali ay mga bagay na iyong nagagawa na nagiging sanhi ng pag-urong sa halip na pagsulong. Ang isang pagkakamali ay maaaring makapagpahinto sa iyo mula sa pagsulong. Anong mga posibleng pagkakamali ang maaaring gawin ng isang pastor? Ano ang sampung mga pagkakamali maaaring gawin ng pastor? Ikaw ay inaanyayahang basahin ang mga pahina ng kahanga-hangang aklat na ito at tuklasin mo ang mga pagkakamali na nanganganib mong magawa at kung paano maiiwasan ang mga malalaking pagkakamali na maaaring magawa ng isang pastor. Ang mahalagang aklat na ito ay magiging isang pagpapala sa iyo at sa iyong ministeryo.
-
Walang kahit isa sa atin ang nagpaplanong dumating sa langit nang hindi nagawa ang nais ng Diyos na gawin natin sa mundo. Wala, kahit isa! Nais nating matapos ang mga tungkuling itinalaga sa atin ng Diyos. Ang aklat na ito ay ukol sa kung paano mo tatapusin ang iyong ministeryo. Ang aklat na ito ay isang gabay kung paano tayo tutugon sa mga banal na mga pangyayari sa ating mga buhay - upang hindi matagpuang nagnanais sa araw na iyon. Nawa ay matapos ninyo ang inyong ministeryo at sabihin nawa sa iyo ng Diyos na,"Nagawa mo ng magaling, mabuti at tapat na alipin!"
-
Paano ako dapat na manalangin? Ano ang dapat kong ipanalangin? Bakit masyadong misteryoso ng panalangin? Paano ako makapananalangin nang mahabang oras? Hindi ba alam ng Diyos kung ano ang pangangailangan ko? Ano ang mangyayari kung hindi ako manalangin? Masasagot ba talaga ang mga panalangin ko?"" Tuklasin ang mga kasagutan sa mga katanungang ito habang binabasa mo ang praktikal at napapanahong aklat na ito ni Dag Heward Mills.
-
Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay. ""Lucas 14:23. Ang isinisigaw ng puso ng Diyos ay para sa mundo na maligtas, at para sa kanyang tahanan - ang simbahan - ay mapuno! Mula sa pahayag na ito naipanganak ang aklat na ito na ""Ang Malaking Simbahan ni Obispo Dag Heward-Mills, pastor ng isa sa mga pinakamalaking simbahan sa Ghana. Ang iyong simbahan at ministeryo ay hindi na magiging tulad nang dati matapos mong basahin ang nakapagpapasiglang aklat na ito! ""Si Dr. Heward-Mills ay tapat sa Panginoong Hesukristo at sa gawaing kasama sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mundo. Siya ay isang magiting na pinuno at isang modelo para sa lahat ng nasa ministeryo at kami na narito sa “Church Growth International” ay ikinararangal na makilala at tawagin si Dr. Heward-Mills na kaibigan at kasama sa gawain sa dakilang mga anihan ng mundo."" -Dr. David Yonggi Cho Tagapangulo, Church Growth International
-
Sa namumukod-tanging gawain na ito, sinusuri ni Dag Heward-Mills ang mga kalagayan sa tunay na buhay ng ministeryo sa ngayon. Ipinapakita niya ang mga praktikal na isyu tulad ng pananalapi, politika, pakikipag-relasyon sa ibang kasarian at mga pakikipag-ugnayan sa ministeryo. Isang makabuluhang gabay para sa maprinsipyong kasanayan sa iyong tawag, ang aklat na ito ay kinakailangan ng bawat Kristiyanong pinuno. Ito ay iminumungkahi para sa mga Paaralan ng Bibliya at samga pastor sa pangkalahatan.
-
Ang pagtatanim ng mga simbahan ay isang kababalaghan na nagkalat sa lahat ng mga ministro ng ebanghelyo. Isa rin itong pangunahing gawain sa mga naunang mga disipulo. Ang matagumpay na pagtatanim ng mga simbahan ay nangangailanga ng kakayanan at nagtataglay ng maraming mga dahilan. Si Dag Heward-Mills, ang tagapagtaguyod ng isang karismatikong denominasyon sa buong mundo na may tatlong libong mga simbahan, ang aakay sa atin sa pag-aaral ng iba't ibang bahagi ng pagtatanim ng mga simbahan sa aklat na ito. Ito ay isang aklat sa pagsasanay para sa sino mang ministro na nagnanais gawing layunin ang pagtatanim ng simbahan sa kanyang buhay at ministeryo.
-
Sa klasikong serye na ito, si Dag Heward-Mills ay nagbigay ng malawakang mga kaisipang praktikal sa pag-aasawa. Ang napakagandang aklat na ito ay magsisilbing handang mapagkukunang babasahin para sa pagpapayo sa pag-aasawa at sa mag-asawa. Tunay na matutuklasan mo sa aklat na ito ang bago at nakakapanabik na mga payo upang pahusayin ang iyong buhay mag-asawa.
-
Alam natin na ang paglago ng simbahan ay mailap at mahirap makamtan. Ang lahat ng mga pastor ay nagnanais na ang kanilang mga simbahan ay lumago. Ang aklat na ito ay ang sagot sa iyong pakikipagsapalaran sa paglago ng simbahan. Mauunawaan mo kung paanong ang ""maraming mga iba't ibang bagay ay kumikilos nang magkasama"" upang makamtan ang paglago ng simbahan. Mahal kong pastor, Habang ang mga salita at pagpapahid sa aklat na ito ay pumapasok sa iyong puso, mararanasan mo ang paglago ng simbahan na iyong ipinapanalangin.
-
Ang isang Kristiyano ay lumalakad sa gitna ng maraming mga panganib, mga bitag at mga patibong. Ang aklat na ito ay magbubukas sa iyong mga mata sa maraming mga hindi nahahalatang mga panganib na naghihintay upang manakit, magpahamak at manira sa atin. Tulungan mo ang iyong sarili, at iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng makapangyarihang aklat na ito sa mga espirituwal na panganib!
-
Maraming mga tao ang nahihirapan sa konsepto ng pagbibigay ng ikasampung bahagi kahit na ang makalumang kaugaiang ito ang nagdulot ng makasaysayang yaman ng mga Hudyo. Sa aklat na ito, si Obispo Dan Heward Mills ang magtuturo sa atin kung paanong ang pagbibigay ang kinakatawan sa mga prinsipyo ng paggawa ng kayamanan at ang himala ng kasaganaan. Masiyahan sa isa sa mga klasikong serye ni Dag Heward-Mills.